CAVS GINULAT NG LAKERS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

BUMALIK si LeBron James sa Cleveland para magpakitang-gilas at buhatin ang Los Angeles Lakers sa 131-120 panalo kontra Cavaliers, gabi ng Lunes (Martes sa Manila), kung saan nagpamalas ng magandang depensa ang team.

Nagtala si James ng 38 points, 10 rebounds at 12 assists sa kanyang 105th career triple-double at ikaanim sa season, kung saan pinipilit niyang manatili ang Lakers sa postseason.

Maliban sa ginanap na All-Star Game noong nakaraang buwan, ngayon lamang muling bumisita si James sa Cleveland na kalapit ng kanyang home town Akron, kung saan siya lumaro ng 11 seasons.

Sina Russell Westbrook at D.J. Augustin, may tig-20 points sa Lakers, tumabla sa ninth sa Western Conference.

Si Darius Garland ay umiskor ng 29 at may 16 assists para sa Cleveland, angat ng isang laro sa Toronto para sa No. 6 spot sa East.

Limang puntos ang iniskor ni James sa pagbubukas ng fourth quarter via 12-2 run ng Lakers at umabante ng siyam.

Nang dumidikit na ang Cavs, isang dunk at jumper ang kinana ni James upang ilayo ang Lakers sa huling 2:34 ng laro.

Wala nang tampo ang Cavs fans kay James matapos niyang iwan ang team para lumipat sa Miami Heat. Nagbalik siya makalipas ang ilang season at pinag-champion ang koponan, bago muling iniwan noong 2018 para sa Lakers.

Pero ngayon, tanggap na ng fans ang ginawa ni James. Katunayan, tumanggap siya ng ­standing ovation sa player introductions at maging sa first-quarter timeout nang batiin siya sa ­pagiging NO. 2 scorer sa league history.

Kumaway si James, dinama ang puso at daop-palad na yumuko sa fans bilang pasasalamat.

RAPTORS SINUWAG
NG BULLS

MAY tig-26 puntos sina DeMar DeRozan at Zach LaVine, 19 points at 13 rebounds mula kay Nikola Vucevic nang talunin ng Bulls ang Toronto Raptors, 113-99 sa Chicago.

Naglista si DeRozan ng 11-for-14 shot para tapusin ang three-game slump at manatili sa fifth place ng Eastern Conference.

Nagbida naman si Pascal Siakam sa Toronto, 22 points (8-of-14 shooting) at may five rebounds. Sinundan ni Fred ­VanVleet, 19 points (7-for-22 ­shooting sa field at 3-for-12 sa 3-point range). Nag-ambag din si Chris Boucher ng 19 points at team-high 10 rebounds.

Ang Raptors, wagi sa anim na pitong laro bago ang Monday’s game ay nananatili sa seventh place sa Eastern Conference.

Nakasunod lang ang Toronto hanggang umiskor si LaVine ng walong sunod para bulabugin ang third quarter, kung saan kuma­mada ang Bulls ng 21-8 run.

Nagawang maibaba ng layup ni Toronto forward Thaddeus Young sa 10 puntos lead ng Bulls, 35.1 seconds sa third. Pero, nagbaon si LaVine ng 3-pointer at ibalik sa double digits ang lamang ng Bulls, 84-73 sa pagsisimula ng final quarter.

May 28 assists ang Bulls at six turnovers, sa kabila ng 62-48 scoring edge ng Toronto sa paint.

Nagbalik na rin si forward ­Patrick Williams sa Chicago lineup sapol noong Oktubre matapos sumailalim sa surgery sa kanyang left wrist.

NETS BINUHAT
NI KD vs JAZZ

SA third quarter, umiskor si Kevin Durant ng 15 points para sa total 37 points at pinangunahan ang host Brooklyn Nets sa 114-106 win kontra Utah Jazz.

Ikaanim na panalo sa pitong laro ito ng Nets kasunod ang 3-17 skid, at naiposte ni Durant ang 20th 30-point output sa season. Nakahirit siya ng 5-of-7 shots sa third nang makapagtala ang Nets ng 60.9% shooting (14-of-23) at ma-outscore ang Utah, 38-24.

May 15-of-23 sa floor si Durant at nagawang umiskor ng may 35 points sa magkasunod na laro, unang pagkakataon ngayong season. Nagdagdag din siya ng nine rebounds at kumulekta ng walo mula sa 31 assists ng Brooklyn.

May season-best 22 points, seven rebounds at five assists naman si Bruce Brown, habang si Nic Claxton humalili kay starting center Andre Drummond (non-COVID illness) ay may 15 puntos.

Nag-ambag din si Patty Mills ng 13 points sa Nets, na nag-step up matapos umeksit ni Seth Curry sanhi ng left ankle sprain. Nadulas si Curry sa harap ng Utah’s bench, apat na minuto pa sa second quarter at hindi na nakabalik sa laro.

Nagtala naman si Donovan Mitchell ng 30 points (9-for-23 shooting) para sa Jazz, naputol ang three-game winning run. Nagdagdag si Jordan Clarkson ng 19 at 18 kay Mike Conley, kasama ang seven assists.

Umiskor si Clarkson ng 10 points para sa 28-25 lead ng Jazz, mula sa 3-pointer sa huling 17 seconds ng opening quarter.

Kasunod nito, scoreless naman ang Jazz sa huling 3:01 ng second habang kumamada ang Nets ng walong sunod tungo sa 53-51 lead sa halftime.

Itinakbo ng Brooklyn ang 10-0 spurt para sa 75-62 count mula sa 12-footer ni Durant, 6:24 sa third. Binatak pa ng Brooklyn ang abante sa 84-68 buhat sa ­3-pointer ni Durant sa nalalabing 2:52 at tinanganan ang 91-75 lead papasok sa fourth.

Nagpatuloy ang pag-abante ng Brooklyn, sa magkasunod na posesyon, humirit ng 11-footer si Durant, sinundan ng 3-pointer para sa 108-87 lead, 6:09 sa laro.

Nagawang dumikit ng Utah, 110-102 nang mag-dunk si Rudy Gobert sa huling 98 seconds. Muling nakapagbato si Durant ng 10-footer sa sumunod na eksena. Matapos ang sablay na pasa ni Blake Griffin, nakahirit si Mitchell ng dalawang free throws tungo sa 112-106 count, 57.2 seconds na lang.

Subalit, kumunekta si Durant ng alley-oop mula kay Claxton sa final 37.4 seconds.

Sa iba pang resulta, nagtala ng 132-123 win ang Boston Celtics kontra Oklahoma City Thunder, naitakbo ng Houston Rockets ang 115-97 win laban sa Washington Wizards at wagi ang Dallas Mavericks sa Minnesota Timberwolves, 110-108. Panalo rin ang Philadelphia 76ers kontra Miami Heat, 113-106 at ang Charlotte Hornets kontra New Orleans Pelicans, 106-103.

143

Related posts

Leave a Comment