17 LGUs SA METRO MANILA, NABIYAYAAN NG MGA AMBULANSYA MULA SA PITMASTER FOUNDATION

LABIMPITONG local government units (LGUs) naman ang nabiyayaan ng mga ambulansiya mula sa Pitmaster Foundation.

Isa ito sa mga pinakamalalaking charities sa bansa.

Tinututukan nila ang pagbibigay ng medical, emergency, at crisis relief o assistance.

Ang mga nabanggit kong 17 LGUs ay mula sa National Capital Region, ang political, economic seat at education center ng bansa.

Ang Metro Manila rin ang tahanan ng tinatayang higit 12 milyong Pilipino.

Kung hindi ako nagkakamali, katuwang ang Metro Manila ­Development Authority, ­Department of Health at Department of ­the Interior and Local Government, naipamahagi na ang donasyon na siyang ikatlong commitment ng foundation sa mga alkalde sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. ­Caroline Cruz, ang mga ambulansya ay bahagi na rin ng pangako nilang suporta sa mga lokal na pamahalaan.

“On behalf of our Chairman, Mr. Charlie ‘Atong’ Ang, we are pleased to distribute 17 units of emergency vehicles to 17 LGUs in Metro Manila, part 3 of our commitment. The first part was the P50 million for rapid antigen tests and P50 million in financial assistance to Metro Manila LGUs for mass testing, followed by P20 million in homecare kits,” ani Cruz.

Sa kabuuan, aabot na sa 160 units ang bilang ng mga naipamahagi nila sa iba’t ibang LGUs at medical centers sa bansa.

Aniya, kabilang na raw rito ang tig-isang yunit sa 81 ­probinsya.

“This is part of our commitment to work with LGUs and the National Government to address the gaps in the country’s healthcare sector. This is our contribution to Universal Health Care,” pahayag ng abogado.

“One of the gaps we identified is the lack of access to nearby hospitals for many in ­remote rural locations and for the urban poor. Ambulance helps close that gap, by transporting the sick to hospitals that may be able to accommodate them.”

Ayon naman kay Chairman Ang, hindi maaaring pabayaan ang mga ospital sa bansa.

Sa ganitong paraan aniya ay masusuportahan din nila ang ating healthcare system.

“The lack of nearby hospitals, and the rigidities of our healthcare system, was shown during the pandemic. The ­availability of a complete and fully-equipped ambulance will bridge the difference between life and death for thousands of our kababayans. Our ­commitment is to save lives and ­promote dignified and adequate health care,” pahayag ni Ang.

“Ibabalik ko sa mga tao, sa mga mamamayang Pilipino ang kinikita ko sa aking mga negosyo.”

Umaabot na sa P1 ­bilyong halaga ng emergency at medical relief o support ang naipamahagi ng Pitmaster Foundation.

Nasa 50,000 patients naman ang nakinabang sa kanilang dialysis assistance.

Namigay na rin sila sa mga ospital at LGUs ng 10 million facemasks, 11,000 COVID-19 vaccine doses at P20 million assistance.

Mabuhay po kayo at God bless!

133

Related posts

Leave a Comment