CAYANONG CO – CHAMP SA 6- COCK DERBY NI KING ARTHUR

Muling nasilayan ang husay ng mga manok ni Ka Rex Cayanong matapos magkampeon sa King Arthur 6-Cock Derby na binitwan sa ruweda ng RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna noong Huwebes.

Nakapagtala ng apat na panalo at dalawang tabla ang entry name na Sabong On Air pra sa kabuuang limang puntos na sumapat para mag solo champion si Cayanong na isang veteran jourmalist at columnist.

Pinupog ng mga warriors ni Cayanong ang mga nakatunggaling Villa elena 789 Super Reyna, Tiger Shark ni Celso Salazar, june 18 4 cock tuy cockpit at SMC na pag-aari ni Tady Palma.

Tabla naman ang Sabong On Air sa entries na Gen X Figther at JJA – DVH.

Nakaka-apat na kameponato na si Cayanong ngayong taon, nagsimula ito noong Marso 21, 2022, solo champion ang Sabong On Air sa WPC Battle of the Big Boys na ginanap sa Manila Arena sa Sta. Ana.

Nakipagsanib puwersa si Cayanong kay Richard Perez, gamit ang RIPER/Sabong On Air entry, nirehistro nila ang limang puntos para tanghaling kampeon sa JP dragon 6- cock Derby na binitawan sa new Antipolo Coliseum noong Mayo 15.

Wala pang dalawang linggo ang nakalipas ay kampeon ulit ang combined entry nina Cayanong at Perez na RIPER/Sabong On Air sa Hagibiz 4-cock Derby na nilarga naman sa isa sa magagandang sabungan sa Laguna na RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit.

Samantala, may pa derby si Cayanong sa June 16, ikakasa ang 6-Cock Sabong On Air Derby at ang pupugan ay sa RIPER Sports Mega Cockpit kung saan ang pot money ay P110,000 habang P55,000 ang minimum bet.

443

Related posts

Leave a Comment