CAYETANO: MATIBAY NA PANININDIGAN, PANLABAN SA FAKE NEWS

IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na prinsipyo at paninindigan upang makilala ang katotohanan sa gitna ng mabilis na pagkalat ng maling impormasyon o fake news.

Sa kanyang mensahe sa Teaching Series na “Unchanging Truth in a Changing World” nitong Nobyembre 7, sinabi ni Cayetano na mahalagang maging bukas sa bagong kaalaman, ngunit hindi nangangahulugang dapat pagdudahan ang lahat ng pinaniniwalaan at pinaninindigan.

Nagbabala siya na kung walang matibay na batayan, mahihirapan ang isang tao na pag-ibahin ang katotohanan at personal na opinyon.

“We grew up in a world where things were more definite, right and wrong. What they told us was right was not always really right, and what they told us was wrong was most probably wrong. Ang point ko lang po, wala masyadong relativity noon,” pahayag niya.

Ayon kay Cayetano, malaki na ang ipinagbago ng mundo dahil sa mga bagong tuklas sa agham at pag-unlad ng teknolohiya, ngunit hindi dapat mawala ang mga pangunahing prinsipyo sa kabila ng mga pagbabagong ito.

Binigyang-diin din niya ang epekto ng artificial intelligence (AI) at mabilis na daloy ng impormasyon sa pananaw ng mga tao sa katotohanan, kung saan tila nagiging batayan na ang personal na kagustuhan sa pagtukoy kung ano ang tama at mali.

“Everything was about clarity in school. This is correct, that’s wrong. Now, it’s all about what you want. What your happiness is. What you think you are, is correct,” aniya.

“If you don’t have a foundation, or even in the measurement, as the engineers or the technical people, you have to have a point of preference before you can make a measurement,” dagdag niya.

Upang hindi basta matangay ng maling impormasyon, hinimok ni Cayetano ang mga dumalo na gawing gabay ang Salita ng Diyos sa pagsusuri at pagkilala sa katotohanan.

Aniya, hindi sapat na maraming nababasa o napapanood ang isang tao kung wala siyang matibay na batayan sa pagsusuri ng mga impormasyon.

“We really have to discern. There’s no problem discerning when you are rooted in the Word of God. The problem with discerning, and you’re not rooted in the Word of God, you go back to fake news,” pahayag ng senador.

Dagdag pa niya, hindi kailangang maging eksperto o mahusay na tagapagsalita upang maibahagi ang Salita ng Diyos. Mas mahalaga aniyang maipaliwanag ang mga aral nito sa simpleng paraan upang maunawaan ng lahat at maisabuhay sa araw-araw.

“When we hold on to God’s word, for example, when you say, we are healed by the Lord Jesus, you have to imagine it now,” ayon kay Cayetano.

180

Related posts

Leave a Comment