CAYETANO: MINORITY HANDANG DAGDAGAN ANG TUNGKULIN PARA MAPABILIS ANG TRABAHO SA SENADO

HANDANG makipagtulungan ang Minority bloc sa Majority upang mapabilis ang trabaho ng Senado at matugunan agad ang mga isyung nangangailangan ng agarang aksyon.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, bukas din ang Minority bloc na gampanan ang anumang karagdagang responsibilidad upang makatulong na matiyak ang mabilis na pagtugon ng Senado sa mga pangangailangan ng taumbayan.

“There are some real issues, and I think all of us do want to work together to speed up the work,” pahayag ni Cayetano sa sesyon ng Senado nitong Agosto 19, 2026.

“Given not only the climate but the number of problems affecting the country, people are looking at the Senate. The Minority, of course, joins the Majority,” dagdag niya.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos makumpleto ang mga kinatawan ng Minority bloc sa ilang komite ng Senado, na nagbigay-daan upang mapunan ang mga natitirang puwesto sa mga committee.

Malugod namang tinanggap ni Senate President Sherwin Gatchalian ang inisyatiba ni Cayetano.

Ayon kay Gatchalian, napag-usapan na rin nila ang mga paraan upang maging mas episyente ang workload ng Senado.

“Thank you, Minority Leader, for the initiative to complete the members of our committees. And like you said, we had a conversation earlier on the various issues that will make the workload more efficient,” ani Gatchalian.

Nangako naman si Cayetano na ipagpapatuloy niya ang pakikipag-usap sa liderato ng Senado upang maresolba ang mga natitirang usapin at makausad ang trabaho ng kapulungan.

“I commit to keep talking to our Majority Leader over the weekend and yourself so that we can resolve all issues by Monday,” ani Cayetano.

62

Related posts

Leave a Comment