CENTRAL AT SOUTHERN LUZON, PATULOY NA UULANIN

INAASAHANG magiging maulan ang malaking bahagi ng bansa partikular sa central at southern Luzon, dahil pa rin sa habagat, ayon sa PAGASA.

Kasabay nito ay may namataang namumuong sama ng panahon ang PAGASA na 775 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nagpaalala naman ang PAGASA sa mga naninirahan sa mabababang lugar na maghanda sakaling may pagbaha.

Pinag-iingat din ang mga maglalayag sa karagatan laban sa malalakas na alon.

May binabantayan din na ibang sama ng panahon at Bagyo ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Kabilang dito ang Bagyong Maysak (dating Julian) na may layong 785 kilometers north northeast ng northern Luzon at may hangin na aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugso na papalo sa 215 kph.

Ang sama ng panahon naman ay namataan 2,415 kilometers east ng northern Luzon na may hangin na aabot sa 55 kph at pagbugso na papalo sa 70 kph. (CATHERINE CUETO)

147

Related posts

Leave a Comment