CENTRAL LUZON’S TOP NPA, HULI SA AFP

NADAKIP ng mga tauhan ng AFP Northern Luzon Command, na pinamumunuan ni Army Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. at local police, sa isinagawang joint law enforcement operations sa Mexico, Pampanga, ang isa sa Central Luzon’s high ranking NPA terrorists, na may patong sa ulo na halagang  P4.7 milyon.

Ayon kay Lt. Gen. Burgos, malaking dagok sa CPP-NPA ang pagkakadakip kay Jose Esperila Bernardino sa Brgy. Sapang Maisac sa bayan ng Mexico, dalawang araw lamang ang nakararaan makaraang maaresto si Amanda Echanis alyas “Waya,” Cagayan Valley NPA Finance Officer sa Baggao, Cagayan.

“Your security forces’ ability to neutralize two key NPA leaders in two days is a manifestation of the effectiveness and efficiency of our intelligence network emplaced across all areas north of Metro Manila,” pahayag ng pinuno ng NOLCOM na siyang may saklaw sa Central at Northern Luzon.

Sa report na isinumite ni Major General Alfredo Rosario, commander ng Army’s 7th Infantry Division sa kanilang punong himpilan, nabatid na si Jose Bernardino alyas “Oying,” ay tumatayong NPA secretary ng Central Luzon’s Regional White Area Committee na siyang nangunguna sa extortion, labor organizing at  youth recruitment sa urban areas sa Region 3.

Ang suspek na may bounty na umaabot sa P4.7 milyon, ay nahulihan ng caliber .45 pistol, isang hand grenade, cellphones, sim cards, at iba’t ibang dokumento na pinaniniwalaang may intelligence values.

“He was arrested by virtue of a warrant issued by Presiding Judge Paul Attolba Jr. of Bangbang, Nueva Ecija’s RTC Branch 30,” ayon kay Maj. Gen. Rosario

“It’s a proof that no one can evade the long arms of the law and that criminals will sooner than later pay for all the crimes that they committed against the people and the state.”

Katuwang ng 7th ID sa pagdakip kay Bernardino ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na pinamumunuan ni Director Police Maj. Gen. Joel Napoleon Coronel.

Ayon pa kay Burgos, ang pagkakadakip kay Bernardino ay lilikha ng leadership vacuum sa hanay ng CPP-NPA sa panahong wala nang natatanggap na suporta ang kilusan sa sambayanan na lumilikha ng takot, demoralisasyon at kalituhan sa hanay ng mga kalaban ng estado.

Dahil dito, nanawagan si Lt. Gen. Burgos sa nalalabing kasapi ng NPA communist terrorists group sa Regions 1, 2, 3 at CAR na magbalik loob na sa pamahalaan at samantalahin ang inaalok na government grants sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program or E-CLIP at ipagdiwang ang Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. (JESSE KABEL)

152

Related posts

Leave a Comment