WALA man ang inaasahang hometown crowd, nagpakitang-gilas pa rin pa rin Filipino football club Ceres-Negros FC at tinalo ang nakalabang Indonesia’s Bali United FC, 4-0, sa 2020 AFC Cup, Miyerkoles ng gabi.
Sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nagdesisyon pa rin ang AFC na ituloy ang laban sa pagitan ng dalawang teams sa Rizal Memorial Football Stadium nang walang mga manonood.
Ngunit sa halip panghinaan ng loob, lalo pang ibinuhos ng Group G leader Ceres-Negros ang lahat ng kanilang makakaya upang sumipa ng panalo sa naturang torneo.
Unang nakaiskor si OJ Porteria sa 35th minute nang maka-second-chance strike nang ma-deflect ang tira ni Stephan Schrock.
Pagdaing ng second half ay si striker Bienve Maranon naman ang umiskor nang ma-convert ang penalty sa 54th minute, na sinundan ng perfectly-finished header mula sa corner kick sa 69th
minute para bigyan ng 3-0 advantage ang Ceres-Negros.
Sinelyuhan ni Robert Lopez Mendy ang panalo ng Pinoy football club sa 73rd minute nang mapalusot ang bola sa loob ng penalty box.
Nananatili sa unahan ng Group G ang Ceres na may 7 points na ngayon. Sunod na laban nila ay sa April 14 sa Kapten I Wayan Dipta Stadium, Gianyar Regency sa Bali, Indonesia.
251 