CHINA BAGONG DESTINASYON NG MGA PINAY DH?

pinay dh12

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA mga susunod na panahon ang bansang China na ang bagong desisyon ng mga Filipina household workers o mga kasambahay na mas maganda umano kumpara sa Gitnang Silangan.

Ito ang nakikita ni ACT-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III matapos payagan ng China ang mga expats (expartiates)  o mga dayuhang na manirahan at magtrabaho sa kanilang bansa na nangangailangan ng household workers lalo na ang mga mag-aalaga sa kanilang mga anak.

Pinapayagan din aniya ngayon ng China ang mga expats na magdala ng kanilang mga kasambahay sa kanilang bansa kaya nikikita ni Bertiz ang potensiyal ng nasabing bansa bilang labor market ng mga Filipinas workers.

“Demand is being driven by China’s rapid economic growth, which has lured some 600,000 expatriates to live and work there, as well as the growing number of upper middle class Chinese families who want their children to grow around English-speaking nannies,” ayon pa kay Bertiz.

Sa ngayon ay tinatayang 200,000 Pinay household helpers na ang nagtatrabaho sa China at inaasahang darami pa ang mga ito dahil patuloy na nirerequest ng mga expats ang serbisyo ng Filipinas kasambahay.

Karamihan sa mga expat na ito ay mula sa South Korea, United States (US), Japan, Canada, Germany at France.

“In the case of nannies, many of them are between 30 to 35 years old. They also serve as private tutors to their wards,” ayon pa sa mambabatas kaya gusto-gusto ng mga expats ang mga Filipina.

Mas pabor ang mambabatas na sa China na lamang magtrabaho ang mga kababayan natin dahil mas maayos ang magiging kondisyon ng mga ito kumpara sa kanilang kalagayan sa Gitnang Silangan dahil tinatawag na “Kafala” o  sponsorship system.

“The problem with the Middle East is that they still have the kafala system, which China does not have. Because of kafala, many employers tend to abuse their workers, whose passports are seized,” ani Bertiz.

533

Related posts

Leave a Comment