DOH NAGBABALA VS DENGUE

dengue1

(NI DAHLIA S. ANIN)

TUMATAAS umano ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa panayam kay Duque, nagbigay ito ng ilang paalala upang maiwasan ang dengue na tinawag nilang ‘4S’ sa kanilang kampanya laban dito.

Paalala ng DoH, una ay search and destroy mosquitoes breeding places, o hanapin ang mga lugar na maaring pagngitlugan ng mga lamok na may dengue, ikalawa, secure self-protection, pangalagaan ang sarili, ikatlo, seek early consultation, magpakonsulta agad sakaling makaramdam ng sintomas nito, at support fogging in dengue hotspots area, makiisa sa mga pagpapausok na panlaban sa lamok.

Ayon kay Secretary Duque, nasa 70,000 na ang kaso ng dengue na naitatala hanggang sa kasalukuyan na pinangangambahan ng ahensya na umabot sa 200, 000 bago matapos ang taon.

“Ang dengue ay all year round ng problem. Hindi na ito seasonal. Asahan na mamamayagpag ang dengue sa taong ito na talagang projected siya na tataas, kaya mag ingat tayo lalo,”ani Duque.

Ang kaso ng dengue ay inaasahang tataas tuwing ikatlo hanggang ikaapat na taon. Nakapagtala ng 200,000 kaso ng dengue noong 2009, 2013 at 2016 sabi ni Duque.

148

Related posts

Leave a Comment