MARIING kinondena ng militanteng grupo ang agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea, at binigyang-diin na tumitindi na umano ang pagiging arogante ng nasabing bansa na
pinamumunuan ni Chinese President Xi Jinping, laban sa Pilipinas.
Kasabay nito, hinimok nina Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate at Bayan Muna chairman Neri Colmenares ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumpletuhin ang ‘demilitarization’ sa WPS upang maipagtanggol ang soberenya ng Pilipinas.
Ginawa ng nasabing grupo ang pahayag matapos balaan ng China ang Pilipinas na huwag makialam sa ‘expansionism’ ng mga ito sa South China Sea kung saan maging ang WPS ay sinakop na nila.
“The gall and arrogance of China in claiming that it is the Philippines which is attacking its sovereignty and security when it has been China all along which has trampled on the sovereign
rights of the Philippines as well as other countries in the South China Sea,” ani Colmenares.
Ayon kay Colmenares, ilusyon lang ng China na pag-aari nila ang buong South China Sea at gawa- gawa lang ng mga ito ang nine-dash-line dahil wala itong basehan sa alinmang international law
kaya ikinatuwa nito ang posisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenza na nagsabing walang
kapangyarihan ang China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas kaya dapat aniyang kumpletuhin na ang ‘demilitarization’ sa WPS.
“China is a threat to peace and stability in the region and the international community must act against its aggression. We reiterate our call for the complete demilitarization of the South China
Sea so that disputant countries can sit down and resolve the dispute peacefully.
There can never be a peaceful settlement of the claims as long as China has military installations in the area,” ani Colmenares.
Ayon naman kay Zarate, tila sinamantala ng China ang pakikipagkaibigan sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nakumpleto umano ng mga ito ang kanilang military instillation sa 7 reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa WPS.
Mistulang lalong naging agresibo umano ang China nang aminin ni Duterte sa kanyang katatapos na State of the Nation Address (SONA) na inutil ito kaya kailangan na aniya ang tulong ng ibang
country claimant tulad ng Vietnam at Malaysia, para maipagtanggol ang kani-kanilang teritoryo.
“We call on legislators from Vietnam, Malaysia and other disputant countries to band with progressive legislators from the Philippines and form a strong alliance against the continuing threat
of China in the region. We urge the legislators in peace loving governments in the region to unite in the call for the complete demilitarization of the South China Sea and pave the way for the peaceful resolution of the dispute,” panawag ni Zarate. (BERNARD TAGUINOD)
