CHINESE CREW SA ‘HIT AND RUN’ SA DAGAT PINAKAKASUHAN

rectorbank123

(NI BETH JULIAN)

PINAKAKAUSAHAN ng Malacanang ang Chinese crew ng barko na bumangga sa fishing vessel ng mga Pinoy at pag-iwan pa sa mga ito sa gitna ng karagatan.

Kasabay ito ng pagpalag ng Palasyo sa pag-abandona ng barkong pangisda ng China sa 22 Pinoy na mangingisda malapit sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Binangga ng Chinese vessel ang Filipino fishing boat na F/B Gimver 1 at pinabayaan sa halip na tulungan ng mga dayuhang vessel ang mga Pinoy na mangingisda.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na ito ay pagpapakita ng hindi sibilisado, barbariko at hindi makatarungang asta ng mga Chinese na isang malinaw na paglabag sa Maritime protocol.

Giit ni Panelo na kung mayroon mang awayan sa teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China, hindi naman ito ang dahilan para pabayaan na lamang ang mga nasugatang kababayan nating mangingisda at hindi lang dapat ipagkibit-balikat ito ng mga awtoridad ng China.

Sinabi ni Panelo na dapat lamang itong imbestigahan at ipataw ang kaukulang kaparusahansa mga Chinese crew.

“We call on the appropriate Chinese authorities to probe the collision and impose the proper sanctions to the Chinese crew,” giit pa ni Panelo.

Pinaiimbestigahan din ng  Palasyo kung sinadya ba ang pagbangga sa barkong pangisda ng Pilipinas.

Kaugnay nito, todo pasalamat naman ang Malacanang sa crew ng Vietnamese vessel na siyang tumulong sa mga inabandonang Pinoy fishermen.

 

197

Related posts

Leave a Comment