CHINESE TRADITIONAL MEDICINE IPINAMAHAGI SA ILANG MAY COVID SA CAINTA

RIZAL – Ilang pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang binigyan ng Chinese traditional medicine bukod sa mga regular na ipinamamahaging masustansiyang pagkain ng lokal na pamahalaan.

Paglilinaw ni Mayor Kit Nieto, ang pamimigay ng Lianhua Qingwen ay alinsunod sa direktiba ng doktor.

Tanging may mga mild case aniya ng COVID-19 ang binigyan ng naturang gamot.

Ang mga pasyenteng inaprubahan ng mga doktor na maaaring uminom ng naturang Chinese drug ang siya lamang umano nilang binibigyan, ayon pa sa alkalde.

Ang Lianhua Qingwen ay aprubado na ng FDA at ayon kay Usec. Eric Domingo, ito ay matagal nang herbal medicine sa China ngunit hindi inirerekomenda bilang panggamot sa COVID-19.

Kasabay nito, iniulat ni Nieto na patuloy na nadaragdagan ang mga pasyenteng nakakarekober sa COVID-19 sa Cainta. Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng ayuda sa mga
pamilyang nangangailangan. (KNOTS ALFORTE)

116

Related posts

Leave a Comment