CIVILIAN MILITARY JUNTA, IMPOSIBLENG MAGTAGUMPAY

KUMBINSIDO si Senador Erwin Tulfo na hindi magtatagumpay ang isinusulong na pagbuo ng transition council o civil-military junta upang palitan na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Tulfo na hindi magkakaroon ng traction ang naturang hakbang dahil wala itong suporta ng mga civil society groups at maging ng simbahan.

“I don’t think na ika nga magkakaroon ng traction yan because number one, hindi naman payag ang civil society. Number two, hindi rin payag ang simbahan yung mga pronouncement ng church kasi it’s against the Constitution,” pahayag ni Tulfo.

“Let’s not forget yung people power 1, people power 2 is backed by the church and civil society. Ngayon po wala naman tahimik yung civil society though they’re protesting na korapsyon,” dagdag nito.

Bukod dito, maging ang militar anya ay masusi ring nagbabantay at sa ngayon ay may nakikita naman anya silang hakbang ng administrasyon na linisin ang katiwalian sa bansa.

Ipinaalala na rin naman anya ni Senador Panfilo Ping Lacson na labag sa konstitusyon ang mga ganitong hakbangin.

Binigyang-diin pa ni Tulfo na mas makabubuting maghintay na lamang ang lahat ng eleksyon sa 2028 dahil ilang taon na lamang naman ang nalalabi sa administrasyon.

(Dang Samson-Garcia)

108

Related posts

Leave a Comment