CLAIMANT NG P4.9-M “PARTY DRUGS” HULI SA BOC-NAIA, PDEA AT NAIA-IADITG

HULI sa pinagsamang grupo ng Bureau of Customs Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang claimant ng package na naglalaman ng ecstasy o party drugs sa isang controlled delivery operations sa Manila Central Post Office.

Ang package ay naglalaman ng 2,878 mga tabletas ng ecstasy o “party drugs” na nagkakahalaga ng P4,892,600.00.

Isang “Ron Ron Salonga” mula sa Port Area, Manila ang claimant ng nasabing parcel na siyang agad na inaresto ng mga awtoridad.

Lumabas sa records na ang shipment ay idineklara bilang “2 Women Clothes, I Kids Clothes & 1 Shoes” na ipinadala ng isang “Mary Lumbao Edward” mula sa Netherlands at naka-consigned sa residente ng Malate, Manila.

Sa karagdagang ­profiling at examination ng NAIA Customs exmaminer at K-9 sweeping, nadiskubre ang 12 pakete ng ecstasy tablets na may kulay green at gold na nasa loob sa gilid ng box/packaging.

Sa chemical analysis mula sa PDEA nakumpirma na ang mga tabletas na ipinadala ay ipinagbabawal na ecstasy.

Dahil dito, ang claimant at ang illegal drugs ay nasa kustodiya ng PDEA at ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa Comprehensive ­Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) na may kaugnayan sa Sections 118 (Prohibited Importation), 1113 (Goods Liable for Seizure and Forfeiture) at 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero at ang Port of NAIA ay nananatili sa pangako ng kanilang mandato sa pinaigting na border protection measures.

Kasabay ng pagtitiyak sa pamamagitan ng kanilang ‘modern equipment, facilities, and enforcement teams na equipped and capable’.

Ito ay magsisilbing babala sa lahat ng mga nakikipagsabwatan sa ilegal na aktibidad na ang Bureau of Customs kasama ng iba pang enforcement agencies ay ­patuloy ang pagprotekta laban sa  illegal importations at titiyakin na ang mga lumalabag sa batas ay mapaparusahan.
(Joel O. Amongo)

114

Related posts

Leave a Comment