KINUMPIRMA ng Malakanyang na 50% ng public school classrooms sa National Capital Region (NCR) ay gagamitin bilang temporary quarantine facilities gaya ng napag-usapan at napagsang-
ayunan kapwa ng Department of Education at Department of Health.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagbabalik ng face-to-face classes ay nakatakda naman sa Enero 2021, kung kailan inaasahang available na ang vaccine o medicinal drug.
Nauna nang sinabi ni Sec. Roque na maaring gamitin ang mga public school bilang isolation facilities hanggang sa katapusan ng taon dahil ang resumption ng face-to-face classes sa ilang lugar
ay maaaring sa Enero pa payagan.
Ani Sec. Roque, inaprubahan ni Education Secretary Leonor Briones ang paggamit ng public schools bilang isolation facilities hanggang sa Disyembre 31 sa gitna ng pagpapatuloy ng COVID-19
pandemic.
Una nang pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resumption ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine na umano’y low risk ng COVID-19 transmission sa Enero.
Samantala, sa August 24 ay bubuksan naman ang klase sa pamamagitan ng blended learning bilang precautionary measure laban sa COVID-19.
Sa kabilang dako, sinabi ni isolation czar at Public Works Secretary Mark Villar na patuloy na nagtatayo ngayon ang gobyerno ng isolation facilities at inaasahang matatapos ang 300 pasilidad
na mayroong 12,200 bed capacity sa katapusan ng Agosto. (CHRISTIAN DALE)
150
