BINAKBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) dahil sa biglang pagpasok sa “giyera” sa pagitan ng virus at government’s vaccine sa pamamagitan ng pagpapalutang ng audit observation nito na may natuklasang ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng DOH.
Bagaman hindi pa masasabing anomalya ang COA Audit Observation ay dapat pa ring maipaliwanag at masagot ang mga hinala sa paggamit ng pampublikong pondo.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte ngayong Sabado ay binira nito ang COA sa paga-audit sa gastusin na “ongoing” pa ang pinagkakagastusan.
Sinabi nito na walang pera ang DoH dahil ang may pera aniya ay nasa DBM.
Kung may programa man aniya ang DoH, ang magbabayad ay ang DBM.
“Hindi humahawak si Sec. (Francisco) Duque ni piso. The perception of the public .. flogging. Yan ang mahirap dyan. Alam ng COA yan. Ngayon sabihin nila eh batas ito..paano? eh di question and answer mo. Huwag kayong magdraw ng conclusion.. sabihin mo.. Ito yung tanong ninyo.. ito ang sagot. para malaman ng tao and give him a chance also to answer.. sufficient time at saka itong ginagawa ngayon ni Secretary Duque, ano, Galvez, Sec.. Defense.. on going ito. So, you do not conduct unnecessarily ‘yung mga audit na audit na ongoing pa. We are fighting a pandemic,” litanya ng pangulo.
Ang suhestiyon ng pangulo ay patapusin muna sana ng COA hanggang sa katapusan ng taon ang giyera ng gobyerno laban sa COVID-19 bago pumasok sa eksena.
‘Huwag kang pumasok ngayon kasi on going ang barilan between the virus and the government’s vaccine. There’s a war there. Huwag iyong bigla ka na lang pumasok .. conduct ka ng ano.. i-timing ninyo,” anito. (CHRISTIAN DALE)
148 