COMMUNICATIONS EXECUTIVE JOE ZALDARRIAGA, ISINUSULONG ANG MEDIA LITERACY PARA LABANAN ANG MISINFORMATION

Binigyang-diin ng batikang communications executive na si Joe R. Zaldarriaga ang kahalagahan ng media literacy sa kasalukuyang panahon, noong inimbitahan itong magbahagi ng kaalaman sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon Agosto 20, 2025.

Sa paglulunsad ng programa ng DFA ukol sa media at information literacy na pinamagatang “Truth, Talk and Tactics”, ibinahagi ni Zaldarriaga ang kanyang kaalaman at pananaw upang labanan ang misinformation at disinformation – isang adbokasiya na matagal na niyang isinusulong sa loob ng maraming taon.

“Sa kasalukuyang digital landscape, ang pagtukoy sa fake news ay kinakailangang gamitan ng kritikal na pag-iisip. Kaya’t dapat tiyakin ng ating mga opisyal ng DFA na ang publiko ay nakatatanggap lamang ng napapanahon, tumpak, at verified na impormasyon,” ani Zaldarriaga, Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications.

“Isinusulong ko rin ang media literacy sapagkat kailangan nating gawing mas handa ang ating mga kasamahan upang mabawasan ang pagkalat ng misinformation.  Ito rin ang magbibigay-daan sa atin na mamuno nang may katapatan at integridad. Lagi rin nating tiyakin natin na dapat manaig ang katotohanan upang mapangalagaan ang tiwala ng publiko,” dagdag niya, na nagsisilbi rin bilang board member sa Public Relations Society of the Philippines.

Sa halos apat na dekada ng karanasan bilang isang communications professional,  hinikayat din ni Zaldarriaga ang wasto at responsableng paggamit ng iba’t ibang uri ng komunikasyon at social media.

Nagpahayag din siya ng suporta sa mahalagang layunin ng DFA na naglalayong mapalakas ang mga empleyado sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mahalagang kaalaman na kinakailangan upang matukoy kung ano ang tamang impormasyon, pagsugpo sa fake news, at mapalawig ang responsableng paggamit ng internet.

74

Related posts

Leave a Comment