Community quarantine dinedma PASTOR INARESTO SA BIBLE STUDY

AKLAN – Bagsak sa kulungan ang isang pastor dahil sa paglabag sa ipinatutupad na enhance community quarantine at nanlaban pa nang sitahin dahil sa isinasagawang bible study sa kanilang chapel, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang inaresto na si Ivan Yadao, 41-anyos, ng Barangay Dalipdip, Altavas, Aklan.

Batay sa report ng Altavas Police Station, nagresponde ang mga barangay tanod hinggil sa impormasyong nagsasagawa ng bible study ang pastor sa ilang kabataan at matatanda sa nabanggit na chapel na paglabag sa ipinatutupad na enchance community quarantine.

Sinita ang pastor ng mga barangay tanod at ipinabasa ang kautusan hinggil sa quarantine ngunit nilamukos umano nito ang papel at itinapon.

Dahil ditto, dinakip ng mga barangay tanod ang pastor at dinala sa himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10951 o Resistance and Disobedience. (ANNIE PINEDA)

143

Related posts

Leave a Comment