COMPUTER SYSTEM MODERNIZATION PROJECT NG BOC, INILUNSAD NA

COMPUTER SYSTEM MODERNIZATION PROJECT

(Ni Joel O. Amongo)

Pormal nang inilunsad kahapon ng Bureau of Customs (BOC) ang maka¬bagong in-formation system na layong higit pang mapaganda at mapabilis ang serbisyo sa BOC.

Tinawag itong “The Improved BOC Seamless and Simplified”  na kung saan bahagi ito ng ‘Bureau’s 10-Point Priority Program’  na  malaki ang maitutulong pagdating sa In-formation Technology System and Cargo Process ng ahensya.

Gayundin ang pagpapaganda ng customer feedback and interaction.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing paglulunsad ay ang kinatawan mula sa iba’t ibang stakeholder’s organizations, miyembro ng media mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at si Undersecretary of Finance Mark Dennis Joven bilang guest of honor.

Kasabay nito, inilunsad  na rin kahapon ng ahensya ang Goods Declaration Verifica-tion System (GDVS) at ang National Value Verification System (NVVS).

Ang GDVS ay ‘queque management system’ na papayagan ang stakeholders na makakuha ng real-time updates kaugnay ng kalagayan ng kanilang goods declaration.

Habang ang NVVS ay system na magsisilbing gabay sa assessment personnel ay pa-ra madetermina kung totoo ang idineklarang halaga ng goods para mabayaran ng tama at makolekta ang nararapat na duties and taxes pabor sa pamahalaan.

Sinabi naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, layunin pa rin ng maka-bagong sistemang ito na palakasin  ang transparency ng kawanihan.

Isa na rito ang Alert Order Monitoring System (AOMS) na kung saan sa pamamagitan nito malalaman  ang kalagayan ng alert orders at alerted shipments hanggang sa mon-itoring ng alert status mula sa issuance ng resolution.

Gayundin ang BOC Dashboard, isang internal one stop executive tool na magbibigay ng real-time updates kaugnay ng BOC operations at para malaman ang kabuuang pangyayari sa lahat ng ports sa buong bansa.

236

Related posts

Leave a Comment