BOC-CLARK NANGUNA SA WILDLIFE LAW ENFORCEMENT WORKSHOP

BOC-CLARK

(Ni Jo Calim)

Pinangunahan ng Bureau of Customs-Port of Clark ang Participatory Assessment on Wildlife Law Enforcement and Stakeholders’ Workshop sa Green Canyon Leisure Farm, Bamban, Tarlac kamakailan.

Pangunahing tinalakay sa tatlong araw na workshop  ang Environmental Law na may kinalaman sa Capacity Assessment on Wildlife Law Enforcement.

Ito’y inisyatibo ng DENR at USAID Project Wildlife  para higit pang palakasin ang isinusulong ng pamahalaan  na ma¬sugpo ang wildlife trafficking sa bansa.

Pinangunahan ang na¬sabing workshop ni Enforcement Security and Service (ESS) District Commander SP/Capt. Angelito Cruz at ni XIP Field Officer Joseph Galang.

Kabilang sa nakiisa ang NBI, PNP Maritime, DENR-PENRO at CENRO representatives mula sa lalawigan ng Region III.

189

Related posts

Leave a Comment