CONCEPCION NAALARMA SA MABABANG PAGGAMIT NG BOOSTER, MASISIRANG BAKUNA

Nagpahayag ng pagkaalarma si Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ukol sa mabagal na paggamit ng booster sa bansa at ang papalapit na pagkasira ng mga Covid vaccines na nakaimbak sa bana.

“As of mid-March, our total fully vaccinated individuals is 73 percent, but those who have received their booster shots is only 13 percent,” wika ni Concepcion, batay sa datos mula sa National Vaccination Operations Center.

Kahit sa NCR kung saan marami nang nabakunahan, ang mga tao na nagpa-booster ay nasa 30 porsiyento lang. Sa mga lalawigan na ang antas ng kumpletong nabakunahan ay nasa 75 posiyento o higit pa, tulad ng CAR at Regions 1, 2 at 3, ang mga taong na-booster ay nasa 11 hanggang 16 na porsiyento lang.

“These are not encouraging numbers,” ani Concepcion.

Iginiit ni Concepcion na ang mabagal na paggamit ng booster ay nakakaalarma dahil sa maraming rason, una rito ay milyun-milyong Pilipino ang ma-o-overdue na sa kanilang booster shots. Ito’y sa kabila ng maraming supply ng bakuna na agarang makukuha sa pamamafgitan ng pagsisikap ng pribadong sektor at vaccination drives ng gobyerno.

“While we are still okay right now, we cannot be sure about the second half of the year, when antibodies will wane for most everyone,” wika ni Concepion.

Sinabi pa ni Concepcion na ang mga bakunang nakaimbak sa bansa ay mag-e-expire na sa Hunyo. “Beyond that point, where will get vaccines to address the waning immunity? The vaccines are available here, right now, and we are encouraging the public to take them while they still can,” wika pa niya.

Nang unang ipinanukala na ang proteksiyon ng karamihan sa mga bakuna ay humihina pagkalipas ng limang buwan, pinaikli ng Food and Drug Administration ang panahon sa pagkumpleto ng mga pangunahing dose (una at ikalawang dose) at ng booster shot sa tatlong buwan. Pinayagan ng Department of Health ang pagbibigay ng booster shots noong Disyembre nang halos 38 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng ikalawang dose ng bakuna.

Samantala, inirerekomenda naman ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng pamahalaan ng Pilipinas ang ikaapat na dose para sa tinatawag na immunocompromised at matatanda. Sinabi ng VEP na ang bisa ng ikatlong shot (o ang unang booster dose) ay bumababa sa paglipas ng panahon sa mga nabanggit na indibidwal at hindi sa malulusog na tao.

“You’re never fully vaccinated unless you have been boostered,” wika ng Go Negosyo founder, na binanggit ang nagkakaisang pahayag ng mga eksperto na humihina ang antibodies laban sa Covid sa paglipas ng panahon. Sa pamamagitan ng booster shot, sinabi niya na mabibigyan ng dagdag na proteksiyon laban sa malalang sakit, impeksiyon at kamatayan dahil sa Covid, at proteksiyon laban sa mga lumilitaw na bagong variant.

Dagdag pa rito, iminumungkahi rin niya na baguhin ang kahulugan ng “fully vaccinated” bilang mga indibidwal na nakatanggap ng booster dose, at dapat malagay ng expiry date ang mga vaccination cards at palitan ng booster cards. Sa Singapore, ang bisa ng estado ng isang tao bilang fully vaccinated ay nakatakda sa 270 araw lang matapos ang huling dose ng pangunahing serye ng pagbabakuna; Pinapalawig ito matapos makatanggap ng booster shot.  Ang hakbang ay ginawa batay sa rekomendasyon ng vaccine expert committee ng Singapore.

“We have to do this now and face down a possible increase in cases, so we do not slow the reopening of the economy,” wika ni Concepcion.

“I cannot stress enough the urgency of bringing back the vibrancy of our economy, and this depends on the integrity of our wall of immunity, and our wall of immunity is only as strong as the effectiveness of our vaccinations,” dagdag pa niya.

Umaasa si Concepcion na ang malawakang pagbibigay ng booster shot ay hahantong sa pag-alis ng state of public health emergency sa bansa. “While Alert Level 1 has helped us move to a much better place, we should start to aspire to a downgraded alert level. We can only do this if we maintain our wall of immunity, and to do that people must take their boosters,” wika niya.

150

Related posts

Leave a Comment