COVID-19 UPDATE: 552 – INFECTED 33 – NASAWI 19 – GUMALING

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, ngayong hapon (March 24), nasa 552 na ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Umakyat din sa 33 ang bilang ng mga nasawi habang 19 naman ang gumaling.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang biglang paglobo ng bilang ng mga nagpositibo ay dahil sa pagdami ng testing capacities ng laboratories.

Sinabi rin ni Vergeire na nakakapag-test na sila ng aabot sa 1,000 sa isang araw dahil sa ang ilang sub-national laboraties ay operational na.

Gayunman, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na maaaring hindi pa tama ang actual na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa dahil sa limitado pa ang testing capacity ng mga laboratoryo.

“Habang dumadami ang ating testing capacity, malalaman natin ang tunay na trend ng transmission sa Pilipinas,” ani Duque.

Kapag natapos na ng DOH ang backlogs sa testing ay maaari nang malaman ang actual trend ng COVID-19 transmission sa bansa sa pamamagitan ng obserbasyon sa pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso nito.

OPISYAL AT MISIS
COVID POSITIVE

Kinumpirma naman ni Armed Forces chief of Staff Gen Felimon T. Santos na may isang senior military officer at asawa nito ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa V. Luna Medical Center matapos magpositibo umano sa coronavirus disease.

Ang nasabing opisyal na hindi pinangalanan ay may history of foreign travel at ipinasok sa nasabing pagamutan kasama ang asawa nito na kapwa idineklarang Person Under Investigation o PUIs noong March 15, 2020.

Una nang kumalat ang balita na may isang star rank military officer ang nagpositibo

sa COVID-19 subalit hindi ito kinumpirma ng AFP. D. ANIN, JESSE KABEL

153

Related posts

Leave a Comment