COVID ALERT SYSTEM TAGUMPAY – DILG

PARA sa Department of the Interior and Local Government (DILG), epektibo at tagumpay ang pagpapatupad ng bagong COVID-19 Alert Level system sa bansa.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, tumatayong tagapagsalita ng nasabing kagawaran, malaki ang naitulong ng bagong sistema para mapababa ang naitatalang mga bagong kaso ng sakit, gayundin sa healthcare utilization rate sa buong bansa.

“So, so far, wala naman po tayong nakitang problema. The implementation of the alert level system has in fact been a success,” saad ni Malaya, batay aniya sa kanilang natanggap na feedback mula mismo sa local government units.

Pagtitiyak pa ni Malaya, kinokonsulta muna nila ang LGUs bago ipatupad sa isang lugar ang sistema.

“Maganda naman po ang feedback natin from the provinces. Bago po kami magdagdag ng probinsya ay kinokonsulta po namin ‘yung mga provincial local government units or provincial governments and the cities there through our DILG field offices.”

Matatandaang una nang ipinatupad ng pamahalaan ang Alert Level system na may granular lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang unti-unting binubuhay ang ekonomiya ng bansa. (LILY REYES)

164

Related posts

Leave a Comment