PATULOY ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon sa Department of Health.
Naitala noong Oktubre 4 ang 474 pasyente na lamang na aktibong kaso habang nasa 1,331 ang mga gumaling sa sakit at 44 ang namatay.
Nasa 2,580 ang aktibong kaso sa lalawigan ng Rizal, sunod ang Laguna na may 2,573; habang ang Batangas ay may 1,647; Cavite na may 1,490; Quezon, 1,449, at Lucena City, 207.
Mayroong kabuuang bilang na 9,946 ang aktibong kaso sa buong Calabarzon habang 385,694 kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19. (CYRILL QUILO)
136 