COVID-FREE BARANGAY SA CALOOCAN DUMARAMI

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga COVID-19-free barangay sa Caloocan matapos lumabas sa huling datos na 138 na sa 188 barangay ng lungsod ang wala nang aktibong mga kaso.

Ayon sa City Health Department, 50 barangay na lamang ang kasalukuyang may aktibong mga kaso ng naturang sakit.

Samantala, tinatayang nasa mahigit 11,596 naman ang kabuuang bilang ng recoveries o mga tuluyan nang gumaling mula sa sakit.

Nais ipaabot ni Mayor Oca Malapitan ang patuloy na pasasalamat sa bawat mamamayan na nakikiisa sa laban kontra COVID-19.

“Salamat sa pakikipagtulungan ng bawat mamamayan ng Caloocan. Ang simpleng pagsunod sa mga health and safety protocol ay malaking bagay upang malabanan ang pandemyang ito,” pahayag ni Mayor Oca. (FRANCIS SORIANO)

77

Related posts

Leave a Comment