COVID VACCINE TARGET SA 1ST QUARTER NG 2021

SINIGURO ng Malakanyang na kalkukado nila ang sitwasyon kasunod ng pagpapahintulot sa mga Pinoy health professional na makalabas na ng bansa para makapagtrabaho.

Sinabi ni  Presidential spokesperson Harry Roque, tinimbang ng pamahalaan ang sitwasyon at tiningnan din ang development sa COVID-19.

Maliban aniya sa bumabagal ang pagdami ng kaso ng corona virus sa bansa ay umaasa ang gobyernong mayruon nang anti-covid vaccine sa first o second quarter ng susunod na taon.

Samantala, inalam din naman aniya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque kung mananatiling sapat ang bilang ng health workers bago inalis ang travel ban sa health professionals.

HINDI MANDATORY

HINDI gagawing mandatory ng gobyerno ang Vaccination program laban sa COVID-19 sakaling maging available na ito sa bansa “for consumption.”

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sang-ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS), 66% ng mga Pilipino ang payag na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Sobra-sobra na aniya ito sa sinabi ng Department of Health (DoH) na ang kinakailangan lamang na mabakunahan ay 50% ng populasyon ng bansa. Kaya ang mga tatanggi sa bakuna ay hindi aniya pipilitin. (CHRISTIAN DALE)
154

Related posts

Leave a Comment