CRIMINAL CASES VS 3 IMPORTERS, ISINAMPA NG BOC-BATAS

Nagsampa ng pormal na reklamo ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), laban sa tatlong (3) importers para sa hinihinalang misdeclaration at illegal importation ng mga ipinagbabawal na kalakal.

Ang unang kaso ay laban sa Mountain View Multi-Purpose Cooperative para sa umanoy ‘unlawful importation and misdeclaration’ ng ibat-ibang agricultural ­products, na may halagang PHP 7,252,561.85 na naganap sa Port of Subic.

Kinasuhan din ang MBS Cargo Movers Co. para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration of cigarettes’ na nangyari sa Manila International Container Port o MICP. Ang narekober na mga smuggled na sigarilyo ay  may halagang PHP 36,590,901.10.

Ang pangatlong kaso naman ay laban sa Lenoil Houseware Trading para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration’ ng ibat-ibang general merchandise, na may halagang PHP 1,248,614.49 sa Port of Manila.

Ang mga consignees at kanya-kanyang Licensed Customs Brokers ay sinasabing nagkasala sa paglabag sa Republic Act No. 10863, o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Republic Act No. 10845, o kilala bilang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. Ang Revised Penal Code, at iba pang kaugnay na batas, bilang inamyendahan.

Bukod dito, sinampahan din ng administrative cases sa Philippine Regulation Commission o PRC ang mga Licensed Customs Brokers na MBS Cargo Movers Co. at  Lenoil Houseware Trading.

Kaugnay nito, ang BOC ay nagbabala sa mga walang prinsipyong importers sa talamak nilang ‘misdeclaration of goods’ o pandaraya sa gobyerno ng kanilang tamang kita.  (Joel O. Amongo)

120

Related posts

Leave a Comment