CUSTOMER RESPONSE SERVICE NG BOC PINALAKAS PA

Sa kampanya para maging mahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko, epektibong impormasyon at pinahusay na ugnayan sa ­stakeholders, ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng kanilang Public Information and Assistance Division (PIAD) at Bureau of Customs-Customer Assistance and Response Services (BOC-CARES) ay pinalakas ang kanilang pagganap para sa nakaraang taong 2020.

Ang BOC-CARES, isang frontline unit para sa pakikipag-ugnayan sa stakeholder sa ilalim ng Public Information and Assistance Division (PIAD), ay naatasan para sa pagbibigay ng mga mekanismo upang matugunan ang mga katanungan at alalahanin ng publiko na may transakyon sa BOC.

Ito ay nakatanggap ng kabuuang 105,172 concerns mula ­Enero hanggang Disyembre 2020 sa pamamagitan ng ibat-ibang plataporma maging sa BOC Hotlines, email, social media at BOC Portal.

Sa parehong panahon, ang BOC-CARES ay nakapagtala ng kabuuang resolution rate ng 97.72% na kabuuang 730 ­naresolba sa tickets out ng 747 concerns sa pamamagitan ng ibat-ibang reklamo at feedback mechanism maging sa Contact Center ng Bayan (CCB) sa ilalim ng Civil Service Commission (CSC), Presidential Complaint Center (PCC) ilalim ng Office of the President and Malacañang’s 8888 Citizen’s Complaint Center o ang Citizen’s Complaint Hotline na pinatatakbo ng Office of ­Executive Secretary.

Sa ilalim ng Malacañang’s 8888 Hotline, ang Bureau of Customs ay umaksyon at nakaresolba ng 99.42% o kabuuang 341 ng 343 mga reklamo sa pamamagitang naturang ­mekanismo.
Samantala, 2 pending tickets o 0.58% ang naghihintantay ng resulta.

Karagdagan nito, ang Bureau of Customs ay muling kinilala ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa panahon ng 2020 virtual Freedom of Information Awards noong Nobyembre 25, 2020 matapos na matanggap ng parehong award noong 2019 bilang isang top performing agencies sa Electronic Freedom of Information (eFOI).

Nakapagtala sila ng kabuuang 48 processed requests para sa information at kahalagahan ng kanilang kontribusyon sa pagpapaganda at progreso ng FOI Program.

Kamakailan, ang Bureau of Customs ay kinilala at pinapurihan ng FOI-PMO para sa kanilang patuloy na pagsuporta sa programa at bilang partner ng gobyerno para sa pagbabago noong nakaraang Mayo 2020.

Ang Bureau of Customs, sa pamamagitan ng Public Information and Assistance Division at kanilang sub-units, ay tiniyak sa publiko na ang BOC ay patuloy sa pagtatayo isang matibay na tulay sa pagitan ng gobyerno at publiko sa pamamagitan ng pagpapakilala ng ­’transparency and excellent customer service to serve national and public inte­rest’. (Boy Anacta)

120

Related posts

Leave a Comment