DA OFFICIAL, PRDP AT MALILIIT NA CONTRACTORS NABIKTIMA NG SCAMMERS

BISTADO ang isang grupo umano ng scammer sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian na naglalayong sirain ang reputasyon ng matataas na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Rural Development Program (PRDP).

Ang mga scammer ay gumagamit umano ng maling impormasyon at mga pekeng dokumento para mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga kontratista at opisyal, panlilinlang sa publiko at sirain ang integridad ng mga programa ng gobyerno.

Ang grupo ay pinamumunuan umano ng isang alyas Baby S. na dating staff member ng hindi pinangalanang congresswoman.

Gumagamit umano si Baby S. at ang kanyang mga kasamahan ng mga gawa-gawang organisasyon ng magbubukid at maralita para magsampa ng mga walang basehang reklamo laban sa mga opisyal ng DA at PRDP.

Sinasabing nakapangbiktima na ang grupo ni alyas Baby S. ng maraming kontratista sa pamamagitan ng paghingi ng bayad mula ₱2 milyon hanggang ₱5 milyon kapalit ng mga pekeng garantiya ng proyekto.

Isang contractor umano sa Mindoro ang namatay dahil sa matinding stress at frustration matapos ma-scam ng sindikato.

Nagpakalat din umano ang mga scammer ng mga pekeng sulat at dokumento para suportahan ang kanilang mga claim.

Ang liham ay nilagdaan umano ng isang indibidwal na kinilala lamang bilang Dimalanta at inakusahan si Assistant Secretary U-Nichols Manalo at iba pang opisyal na nakikisali sa mga transaksyong “mala-mafia” para sa mga pag-apruba ng proyekto.

Mariing kinondena ng Department of Agriculture at ng PRDP ang smear campaign at mga mapanlinlang na aktibidad, at tiniyak na gagawin nila ang lahat ng kinakailangang legal na aksyon laban sa mga responsable.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) laban sa mga suspek.

19

Related posts

Leave a Comment