DAGDAG P6-B AYUDA SA PAMAHALAAN MULA SA PAGCOR

OKAY O OKRAY

MATAPOS makapag-remit ng kabuuang P20.5 bilyon sa pamahalaan, muling nag-remit ng karagdagang anim na bilyong piso sa tanggapan ng Pangulo ang Philippines Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR bilang pondo sa pinalakas na kampanya laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Okay ang naging aksyon ni PAGCOR Chairperson and CEO Andrea Domingo kaugnay sa pagbibigay o pagpapalabas na Socio-Civic Funds Project (SCFP) sa Office of the President (OP) na may kabuuang halaga na P14.5 bilyon.

Okay na okay ang remittance ng PAGCOR sa OP ay bilang pondo sa Proclamation No. 922 “Declaring a state of Public Health Emergency” at ang kasunod na declaration ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon, na matatapos sa April 30, 2020.

Super Okay ang paliwanag ni Domingo na ang paglalaan ng pondo sa Tanggapan ng Pangulo ay alinsunod sa mandato ng PAGCOR na maglaan ng kita nito bilang pondo sa ‘infrastructure and socio-civic projects ng pamahalaan.

Okray naman dahil natigil ang operasyon ng PAGCOR at mga licensed gaming at casinos kaya nalugi ang gaming agency subalit mega okay naman ang ginagawang pagsisikap ng ahensiya na matulungan ang pamahalaan sa panahon ng krisis.

Bukod sa remittances, ang PAGCOR, kasama ang licensees, ay nagdo-donate ng food packs, personal protective equipment at mga kinakailangan medical essentials sa frontliners, hospitals at mga komunidad sa National Capital Region at iba pang lalawigan sa Luzon.

161

Related posts

Leave a Comment