DAGDAG PANTUGIS SA KARAGATAN VS. SMUGGLERS – BOC

SA hangaring ganap na maisakatuparan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., humirit ang Bureau of Customs (BOC) ng karagdagang modernong kagamitan sa pagpapatrolya sa karagatan at pagtugis ng mga smuggler.

Sa isang kalatas ng ahensya, iginiit sa pamahalaan na dagdagan ang 20 fast patrol vessels na mayroon ang kanilang kawanihan para mas mabantayan ang mga karagatan kung saan karaniwang itinatawid papasok ng bansa ang mga ilegal na kontrabando.

“The acquisition of more FPVs (fast patrol vessels) would further boost our efforts to enforce the laws on the country’s geographical borders,” ayon pa sa pahayag ng BOC, kasabay ng pagmamalaki sa kakayahan ng mga FBV na habulin ang mga piratang-dagat anomang lakas ng hampas ng hangin sa karagatan.

“It (FPV) has a sea-pro­ven high-speed interceptor that can withstand sea-borne challenges while offering smooth navigation. It is also equipped with Garmin Navigation systems and other standard water patrol equipment necessary to enhance the Bureau’s border patrol functions,” dagdag pa ng BOC.

Sa ngayon, mayroon lamang 20 unit ng FPV ang ikinalat sa 17 distritong pinangangasiwaan ng BOC sa iba’t ibang bahagi ng bansa – dalawang FPV sa Port of Batangas, gayundin sa Port of Subic, Port of Limay, Port of Cebu, Port of Cagayan de Oro at Port of Davao. Binigyan naman ng apat na FPV ang Port of Zamboanga, tatlo para sa Port of Manila at isa para sa Port of Iloilo.

Samantala, naglabas naman ng datos ang Enforcement and Security Service – Water Patrol Division ng datos kaugnay ng kanilang paglalayag sa karagatan.

Anila, umabot na sa 265 paglalayag ang kanilang isinagawa bilang bahagi ng maritime patrol, habang nasa 60 naman ang search and survey operation. Bahagi rin ng datos ang pagsampa sa 50 barkong tinitiktikan kaugnay ng kampanya laban sa fuel smuggling. Sa naturang bilang, dalawa ang inisyuhan ng Warrants of Seizure and Detention (WSD).

177

Related posts

Leave a Comment