WELCOME kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkakalikha ng 2.6 million na dagdag na trabaho sa simula ng taong 2025 batay sa latest na Labor Force Survey (LFS).
Ayon sa House Speaker, kabilang sa tumaas ang agriculture jobs na indikasyon na epektibo ang mga programa ng gobyerno para sa food security at rural development.
Sa kabila nito, sinabi ni Romualdez na mahalagang mapanatili ang long-term efforts para masiguro ang pagtaas pa ng bilang ng may trabaho.
Base sa March 6 LFS na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Romualdez na ang agriculture at forestry sector ay nakapagtala ng pinakamalaking job increase kung saan umabot sa 883,000 na bagong trabaho ang nalikha noong Enero. Sunod na nakapagtala ng pagtaas ng trabahong wholesale and retail trade, motor vehicle and motorcycle repairs, na lumikha ng 850,000 jobs; accommodation and food service na mayroong 533,000 jobs; at transportation and storage na may 141,000 jobs.
Ani Romualdez, bagaman tumaas ang employment, ang national unemployment rate ay may bahagya ring pagtaas sa 4.3 percent noong Enero mula sa 3.1 percent noong Disyembre. Tumaas din ang Underemployment sa 13.3 percent o katumbas ng 6.47 million individuals. Sa sektor naman ng manufacturing ay nabawasan ng 209,000 jobs noong Enero.
Kasabay nito, tiniyak Romualdez ang commitment ng Kamara sa paglikha ng mga batas para masuportahan ang job creation at economic expansion sa lahat ng industriya. Kabilang dito ang mga panukala sa pagpapalawig ng access sa tulong sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) para makatulong sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
Gayundin ang pagbawas sa bureaucratic barriers upang makaakit ng mas maraming investments, pagpapabilis sa infrastructure development lalo na sa rural areas, pagpapahusay sa technical-vocational education and apprenticeships para may bitbit na kaalaman ang mga manggagawa at paghimok sa local and foreign investments sa sektor ng manufacturing at high-value industries.
Nanawagan din si Romualdez ng pagtutulungan ng government agencies, mga negosyante, at labor groups para makabuo ng polisiya upang mapanatili ang economic growth at job creation.
