Dahil sa COVID-19 surge FIBA ASIA CUP INUSOG SA 2022

NAGDESISYON ang FIBA na i-postpone ang Asia Cup sa susunod na taon.

Jakarta, Indonesia pa rin ang host ng ‘biggest cage meet in the region,’ ayon sa FIBA.

Sa ginanap na miting sa Lebanon, napagkasunduan ng FIBA Asia Board na kanselahin na muna ang Asia Cup.

Ang current surge o pagsipa ng COVID-19 cases sa Indonesia ang pangunahing dahilan kaya’t nagkaisa ang Board na iusog sa Hulyo 2022 ang FIBA Asia Cup.

Orihinal na nakaiskedyul ang Asia Cup sa Agosto 16 hanggang 28.

“The FIBA Asia Cup will be played as planned in Jakarta, Indonesia, but is re-scheduled in July 2022, right after the window of the FIBA Basketball World Cup Asia qualifiers,” nakasaad sa sulat ni FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

348

Related posts

Leave a Comment