DALAW SA BJMP SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG sinuspinde ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagbisita sa mga Person Deprived of Liberty (PDL’s) para na rin sa kaligtasan ng mga ito at kanilang pamilya sa gitna ng pagkalat ng COVID-19.

Sa press conference kahapon, inanunsyo ni Jail Chief Inspector Xavier Soldao, Spokesperson ng BJMP, ang temporary suspension ng visitation sa lahat ng Jail Facility sa National Capital Region (NCR).

Bukod dito, kasama rin sa sinuspinde ang dalaw sa Region 1 sa loob ng dalawang linggo habang sa Region 11 naman ay pitong araw.

Sa Region 3, suspendido rin ang dalaw sa lahat ng Jail Facility sa Bulacan, Angeles District Jail Male and Female Dorm sa Pampanga, Cabanatuan City District Jail, Talavera Municipal Jail at San Jose District Jail sa Nueva Ejica.

Sa Cabarzon, sinuspinde ang visitation sa lahat ng jail sa Cavite; Cainta, Binangonan at Antipolo sa Rizal, Cabuyao, Calamba, at San Pablo sa Laguna. TJ DELOS REYES

441

Related posts

Leave a Comment