TUTUTUKAN ng Damayan Filipino Party-list ang pagpapalawig ng health program sa pamamagitan ng aktibong medical mission partikular na sa mga remote barangay sa bansa.
Nitong Lunes ay pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang Damayang Filipino Movement Inc. (DFMI) bilang isang party-list para sa darating na 2025 midterm elections.
Pinangunahan nina Athenie R. Bautista bilang 1st nominee, Noel Ramirez- 2nd nominee at Mark Al Sato-3rd nominee ang paghahain ng COC kung saan sila ay sinamahan nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis Castro.
Nabatid na si Gov. Fernando ang Founder ng Damayang Filipino Movement Inc. at ito ay itinatag noong 2008 noong siya ay Board Member pa lamang ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan.
Ang DFMI ang siyang naging katuwang ni Fernando sa Bulacan upang magampanan ang kanyang mga adbokasiya partikular na sa paghatid ng tulong sa mga mahihirap na hindi nakakarating sa kapitolyo. (ELOISA SILVERIO)
641
