DATING KONSEHAL NG MAYNILA, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating konsehal ng Maynila, sa kinahaharap nitong kasong kidnapping for ransom (KFR), nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Pasay City noong Martes ng umaga.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si alyas “Roderick”, nasa hustong gulang, umano’y dating konsehal ng ika- 5 Distrito ng Maynila.

Ayon sa NBI – International Airport Investigation Division (IAID), inaresto ang suspek bandang alas-10:37 ng umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 1 galing sa Las Vegas.

Ang suspek ay may kasong kidnapping for ransom sa Regional Trial Court Branch 61 ng Makati City.

Itinurn-over na ang suspek sa NBI detention facility sa Muntinlupa City.

(RENE CRISOSTOMO)

72

Related posts

Leave a Comment