CAVITE – Nalambat ng pulisya ang isang dismissed police officer na nasa listahan ng most wanted person, regional level, sa isinagawang operasyon sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang dismissed police officer na si alyas “Vin”, inaresto bandang alas-11:51 ng gabi sa Brgy. Nicolas 2, Dasmariñas City.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu at pinirmahan ni Presiding Judge Josielyn Lara De Luna, ng RTC, Branch 129, Dasmariñas City, Cavite, nagsagawa ng operasyonn ang RIT Cavite, RID 4A, RID, PSOG, CID-IG, RIU4A, IMEG-LFU Team 4A at Warrant Section ng Dasmariñas CCPS, sa Brgy. Nicolas 2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa dating pulis na may kasong paglabag sa Sec. 5, at Sec. 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Drug Act of 2002),
(SIGFRED ADSUARA)
18
