DATING SUNDALO NA WANTED SA MURDER, HULI SA ANTIPOLO

ANTIPOLO CITY – Nagwakas ang sampung taong pagtatago ng isang dating kasapi ng Philippine Army na sangkot sa kasong murder, nang masakote sa inilunsad na law enforcement operation ng Philippine National Police sa nasabing lungsod.

Walang piyansang inirerekomenda ang korte para sa naarestong si alyas “Joel” na natunton ng mga awtoridad sa Boso-Boso sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal noong Linggo.

Si Joel na itinuturing na kabilang sa listahan ng Regional Level Most Wanted Persons ng CALABARZON, ay naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Rizal Provincial Field Unit, kasama ang 404th Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A.

Batay sa ulat na natanggap ng CIDG, nangyari ang insidente noong Disyembre 25, 2013, sa gitna ng inuman sa bahay ni suspek kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng anak ni Joel na si “Noah” at ng biktima.

Nabatid na nakialam umano ang suspek sa away ng dalawa at napatay nito ang biktima.

(JESSE KABEL RUIZ)

72

Related posts

Leave a Comment