PAG-ABSWELTO SA EX-PSG CHIEF NI DU30 IKINAGALIT NG GABRIELA

IKINAGALIT ng Gabriela party-list group ang pag-abwesto ng Special General Court Martial (SGCM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dating commander ng Presidential Security Group (PSG) na isinangkot sa pagpatay sa isang dating model at negosyante sa Davao City noong 2022.

“This is not justice. This is a travesty,” ani Gabriela representative Arlene Brosas matapos ipawalang sala ng SGCM si Brigadier General Jesus Durante III sa kasong pagpatay sa biktimang si Yvonne Chua Plaza.

Si Durante ayna dating PSG commander ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inakusahang nasa likod ng pagpatay kay Plaza, na umano’y karelasyon umano nito noong Disyembre 29, 2022, sa labas mismo ng bahay ng biktima sa Green Meadows subdivision sa Barangay Tugbok sa Davao City.

Nasentensyahang guilty ang mga dating tauhan ni Durante na sina Sarhento Delfin Sialsa, Corporal Adrian Cachero at Private First Class Rolly Cabal na hinatulang guilty ng SGCM at pinatawan ng 10 hanggang 12 taong pagkakabilanggo matapos aminin na sila ang nagsagawa ng pagpatay.

Sinabi ng mambabatas na mismong ang Special Investigation Task Group na binuo ng Philippine National Police (PNP) ang tumukoy kay Durante bilang mastermind sa nasabing krimen matapos siyang ituro ni Sialsa, subalit hindi ito binigyang bigat ng SGCM.

“The public saw the brutal killing of Yvonne Chua Plaza, the reports that implicated active military officers, and the firearm traced back to the AFP itself. Hindi lang hustisya ang ipinagkait kay Yvonne—pinatunayan ng desisyong ito na sa ilalim ng kasalukuyang sistema, mas pinapaboran ang nasa kapangyarihan,” ani Brosas.

Ayon naman kay dating Kabataan party-list representative Sarah Elago, ang desisyon ng SGCM na absuweltuhin si Durante sa nasabing krimen ay nagdulot aniya ng “chilling message” sa mga kababaihan na hindi magkakaroon ng hustisya kapag matataas na opisyales ng AFP ang masasangkot.

“Yvonne Chua Plaza’s murder case is emblematic of a broader culture of violence and military entitlement. This decision is a statement that women’s lives can be taken without consequence.

Walang pananagutan basta sundalo ang sangkot. We refuse to accept that,” punto ni Elago.

(BERNARD TAGUINOD)

44

Related posts

Leave a Comment