AGARANG deportasyon ang ipapataw ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang sasali sa mga rally o sa iba pang political demonstration sa bansa, ayon sa pahayag ng pamunuan ng ahensiyang ito.
Ang babalang ito ay may kaugnayan sa presidential inauguration ni Ferdinand “Bongbong” Marcos kahapon sa harap ng National Museum sa Intramuros, Manila.
Sa ilalim ng Immigration Laws, ipinagbabawal sa mga dayuhan na makisawsaw sa mga rally, sapagkat anila isa itong pagpapakita ng kawalang galang sa immigration laws.
Bukod sa mga rally, “foreigners are also prohibited from supporting, contributing or involving themselves in whatever manner in any rally, assembly or gathering while in the country”.
Ang babalang ito ay upang hindi na maulit ang nangyaring insidente kung saan isa ang na-blacklist at na-deport dahil sa paglahok sa political activities sa Pilipinas, dagdag na pahayag ng isang BI official. (FROILAN MORALLOS)
449 