HINIKAYAT ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pamahalaan na limitahan ang pag-utang sa China sa gitna ng pandemya ng corona virus 2019 (COVID-19) habang inaalalayan ang pangangailangan na protektahan ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.
Sa panayam, sinabi ni Recto na kanyang inihain ang isang resolusyon sa Senado na humihikayat sa executive department na iwasan ang pagtaas ng utang ng bansa sa China.
“I think we should not be incurring more debts from China,” ayon kay Recto.
“Because of the pandemic, in the Philippines, our revenues have gone down, we will be borrowing more and to finance the many Build, Build, Build projects that we will be undertaking, we should not be borrowing these bilaterally from China,” giit pa ni Recto.
Sinabi ni Recto na marami nang bansa ang nahulog sa bitag ng pautang ng China kaya nasadlak ang karamihan sa hindi magandang pangyayari sa maraming bansa.
“China already has a track record in lending out money to many countries and we’ve seen what has happened to many countries. There is what you call a debt trap as well,” aniya.
Iginiit ni Recto na dapat protektahan ng bansa ang resource-rich West Philippine Sea para sasusunod na henerasyon kahit inaangkin ng China.
Bukod sa pag-iwas sa pag-utang sa China, isinusulong din ni Recto ang pag-ban sa pagbibigay ng government contracts sa foreign entities na sangkot sa aktibidad na salungat sa soberenya ng bansa sa West Philippine Sea. (ESTONG REYES)
170 