16-ANYOS GINAHASA, PINATAY

NORTH COTABATO – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 16-anyos na dalagita na makaraang gahasain ay pinatay at itinapon sa ilog ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Malanduage, sa bayan ng Kabacan sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Rasmia Kumawir, Grade 6 sa Malanduage Elementary School at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP, alas-6:00 ng umaga nang makatanggap sila ng ulat tungkol sa insidente kaya agad silang tumungo sa lugar at nagsagawa ng imbestigasyon.

Lumabas sa imbestigasyon, umalis ng kanilang bahay noong Lunes ang biktima para kumuha ng kahoy na panggatong hanggang sa hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay.

Pagkaraan ay natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima habang nakalutang sa ilog.

Hiniling ng Kabacan PNP sa Rural Health Unit na isailalim sa postmortem examination ang labi ng biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

Kinondena ni National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen B. Pangarungan ang karumal-dumal na pagpatay dalagita at hinimok ang lokal na pamahalaan ng probinsiya na

magsagawa ng malalimang imbestigasiyon at tugisin ang responsable sa krimen. (BONG PAULO)

544

Related posts

Leave a Comment