Quarry operation binira RADIO COMMENTATOR PATAY SA AMBUSH

SORSOGON – Dead on the spot ang isang hard hitting radio commentator nang tambangan ng riding in tandem noong Lunes ng gabi sa lalawigang ito.

Patay sanhi ng apat na tama ng punglo ang biktimang si Joebert Bercasio, tubong Rapu-Rapu, Albay, naninirahan sa Bacon District sa nasabing probinsya.

Base sa inisyal na impormasyon, nangyari ang pagpatay isang oras pa lang ang nakalilipas nang i-post ng biktima sa kanyang Facebook account ang isang quarry operation sa bayan ng Bulan sa nasabi rin lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at tinatahak ang daan patungo sa Seabreeze Subd., nang isinagawa ang pananambang.

Sinasabing si Bercasio ay isang hard-hitting commentator at dati itong announcer sa dzMS-AM bago lumipat sa Balangibog Internet TV kung saan ipinagpatuloy niya ang pagiging komentarista.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga suspek at posibleng mastermind sa paglikida sa media personality habang inaalam ang lahat ng posibleng motibo sa kaso, kabilang ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang pananambang. (JESSE KABEL)

154

Related posts

Leave a Comment