Defensor sa Cha-Cha PAGSASAYANG NG PERA NG BAYAN

NAGSASAYANG lang ng pera ng bayan ang mababang kapulungan ng Kongreso kung hindi makukumbinsi ni House Speaker Lord Allan Velasco ang kanilang mga counterpart sa Senado na suportahan ang kanilang Charter Change (Cha-Cha).

Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaugnay ng economic Cha-Cha na nakatakdang isalang sa plenaryo ng Kamara matapos aprubahan ng House committee on constitutional amendments ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na inakda ni Velasco.

Tatlong beses lang nagpatawag ng pagdinig ang chairman ng nasabing komite na si Rep. Alfredo Garbin Jr. at agad itong pinagtibay sa committee level sa pamamagitan ng botong 64 pabor, 3 kontra at 3 ang hindi bumoto.

“I believe that in rushing Cha-cha, the House is putting the cart before the horse. The House should first resolve with the Senate at least two contentious issues,” ayon kay Defensor.

Kabilang na aniya kung kailangan ng dalawang kapulungan na magpasa ng joint resolution para i-convene ang Senado at Kamara sa constituent assembly bago talakayin ang mga isinusulong nilang pagbabago sa Saligang Batas at kung hiwalay na magbobotahan.

“It takes two to Cha-cha. Unless the House convinces the Senate to get on board its Cha-cha express, the House would just be wasting precious time, effort and taxpayers’ money,” ayon pa kay Defensor.

Samantala, muling naudlot ang deliberasyon sa Cha-Cha kaya mauurong ito sa susunod na linggo. (BERNARD TAGUINOD)

147

Related posts

Leave a Comment