Dehado sa suntukan BARKER, PATAY SA SAKSAK NG LASING

CAVITE – Patay ang isang barker makaraang pagsasaksakin ng isang lasing sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Jason Mangansakan y Baludo ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng mga saksak sa katawan.

Arestado naman ang suspek na si Jonel Jaime y Garde, alyas “Erap”, 23, isang construction worker.

Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes ng Bacoor City Police, bago ang pananaksak, nagkita ang dalawa sa Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite dakong alas-6:35 ng gabi.

Dahil lasing umano ng suspek ay inasar nito ang biktima na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo na humantong sa suntukan.

Dahil dehado ang suspek, naglabas umano ito ng patalim at pinagsasaksak ang biktima. (SIGFRED ADSUARA)

260

Related posts

Leave a Comment