DELTA VARIANT SA LAGUNA NADAGDAGAN

NADAGDAGAN pa ang kaso ng COVID-19 Delta Variant sa lalawigan ng Laguna.

Sa ulat, 18 katao na ang tinamaan ng naturang variant base sa resulta ng swab test na inabot ng tatlo hanggang apat na linggong paghihintay.

Nakarekober naman ang mga pasyenteng tinamaan nito.

Kaya’t pinag-iingat ang lahat ng mga bakunado man o hindi pa dahil sa bagsik na dulot ng Delta Variant.

Paalala ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna na umiwas sa matataong lugar at panatiliin ang paggamit ng face mask, sumunod sa social distancing at laging maghugas ng kamay. (CYRILL QUILO)

88

Related posts

Leave a Comment