DEMILITARISASYON SA PNP-AFP CHECKPOINTS

AALISAN ng armas ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kanilang mga tauhan na naatasang magmantine ng Inter-Agency Task Force in Managing Infectious Diseases checkpoint.

Ito ay kasunod ng mga puna na mistulang militarized zone ang mga itinayong checkpoint papasok at papalabas ng Metro Manila.

Ayon kay Bgen Alex Luna, AFP JTF-NCR commander, nagkasundo sila ni PNP-NCRPO chief P/Mgen Debold Sinas na magsagawa ng adjustment sa kanilang nine-man squad na nakataga sa mga checkpoint kabilang ang pag-aalis ng kanilang mga armas.

Bukod dito, hindi na rin sasampa ang mga sundalo at pulis sa malalaking sasakyan at maging mga bus sa halip ay pababain na lamang ang mga pasahero para inspeksyunin.

Subalit nilinaw ni Gen. Luna na may mga sundalo pa rin na may baril na itatalaga sa hindi kalayuan.
“In the process na isa sa ininspect ay may sakit or any symptoms, he will be escorted ng mga tao namin na naka-PPE sa designated hospital na capable. In Different checkpoints may designated na hospital na kaming napag-usapan ni Gen. sinas. ‘Yung nagi-inspect may protective gear at mask, gloves at kung meron available goggles. ‘Yung PPE naka-separate yun, papasok lang yun kapag may Nakita ang nagi-inspect na may sintomas,” paliwanag ni Luna.

Kaugnay nito,  sinagot ni Mgen Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, ang puna ng mga militanteng grupo na health problem ang kinakaharap ng bansa at hindi peace andorder problem kaya hindi police at military action ang kailangan.

“The measures outlined by the IATF for the Management of Emerging Infectious Diseases have to be enforced diligently, otherwise it will become a law and order problem and not just a health issue,” ani Gen Arevalo. JESSE KABEL

207

Related posts

Leave a Comment