DENR EMPLOYEE PINATAY SA TULAY

LAGUNA – Patay ang isang empleyado ng lokal na tanggapan ng DENR matapos barilin ng hindi kilalalang suspek sa kanilang project site sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Biñan City Police ang biktimang si Oliver Reyes, job order employee ng Laguna PENRO.

Ayon sa report ng pulisya, nasa tulay sa Barangay San Vicente ang biktima, dakong alas-7:30 ng umaga nang dumaan ang hindi kilalang mga suspek at malapitan itong pinagbabaril.

Tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at namatay bago mairating sa ospital.

Ayon sa imbestigasyon, nasa lugar ang biktima at hinihintay nito ang kanyang mga kasama para sa gagawing proyekto sa ilog.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam kung ano ang motibo at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

192

Related posts

Leave a Comment