(NI BERNARD TAGUINOD)
Bagama’t ang Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking bahagi sa national budget taon, taon, nananatiling kapos pa rin umano ito sa pondo.
Ito ang inirereklamo nina ACT Teachers party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro sa gitna ng bangayan ng Executive Department at liderato ng Kamara hinggil sa bilyong-bilyong pork barrel sa 2019 national budget.
“The DBM persists on telling our public school teachers and other government employees that there is not enough money for salary increase but as we can see, there is plenty of money for corruption which various hands in Congress and in Malacañang are fighting over,” ani Tinio.
Ayon kay Tinio, umaabot P54,977,842,000 ang ibinawas ng Department of Budget and Management (DBM) sa orihinal na proposed budget ng DepEd kaya P659.3 billion lamang ang pondo ng ahensya ang inaprubahan.
Nabawasan din umano ng 0.18% ang pondo ng Commission on Higher Education (CHED) kabilang na ang P667,000,000 para sa Universal Access to Quality Tertiary education o libreng edukasyon sa kolehiyo ng mga mahihirap na estudyante.
“Wala pa ring sapat na salary increase para sa mga guro, binawasan ang budget para sa libreng edukasyon sa kolehiyo, nananatiling mababa ang budget para sa Maintenance and Other Operating Expenses at Capital Outlay ng mga paaralan,” ayon naman kay Castro.
355